Ang Inspirasyon ay isang bagay na importante sa lahat. May
maraming rason kung bakit ka nagkakaroon nito, maaring sa isang taong
importante sayo, bagay, o pangarap na makamit. Lahat tayo ay may kanya-kanyang
inspirasyon at ito’y malaking bagay para sa atin, maliit man o malaki sa
paningin ng iba at Ako na bilang isang
tao, ay may hangarin at mga inspirasyon upang tuparin ang mga bagay na aking
gusting gawin sa buhay. Ang aking unang inspirasyon
ay ang Panginoon makapangyarihan, dahil siya lang ang kilala kong hindi nang-iniiwan,
nandiyan siya upang gabay ang ating mga problema, hinagpis, kalungkutan,
kasiyahan, at tagumpay natin sa buhay. Ang paniniwala sa Panginoon ay wag
nating walain, sapagkat sya ay nagbibigay
lakas sa atin para ipagpatuloy ang mga ladas na ating tatahakin at hindi nman siya magbibigay
ng mga pagsubok na hindi natin kayang lagpasan at sa tulong ng panginoon
naniniwala ako na kaya natin ito. Natutunan ko ay hindi dapat maging marahas
dahil lahat ng bagay may solusyon.
Pangalawa, ang
inspirasyon ko ay ang aking pamilya at ako bilang isang mag aaral. Ang mga
magulang ko ay ibinigay ang lahat ng gusto ko at mga aking kailangan at gusting
palakihin na may pinag-aralan. Ginagawa ang kanilang tungkulin bilang isang
magulang at kahit kapos ay hindi ito hadlang para sa kanila dahil gagawin nila
ang lahat makapagtapos ka lang. Kaya ang mga magulang ko ay aking iniidolo at
sila ang aking kalakasan upang tuparin ang aking mga pangarap sa buhay. At isa din
ang aking mga kapatid na tinuturing kong inspirasyon.
Pangatlo ang aking mga kaibigan sapagkat kung ako’y may
dala-dalang problema ay andiyan sila para akoy kanilang damayan at hindi
titigigil sa kanilang pangungulit kung hindi ako mapasaya. Kaya ang mga
kaibigan napakalaking tulong sa atin sapagkat
sila ang ating kasiyahan at naging sandigan ko para maiwasan ang mga problema at
higit sa lahat hindi nang-iiwan.
Pang-huli na inspirasyon ko ay ang aking hinahangaan tawagin
nalang natin syang “The One” isa siya sa nakilalang kong babae na ibang iba sa
lahat sapagkat napahanga niya ako sa kanyang abilidad, kakayahan niyang
kumanta, kanyang katalinohan, kanyang kagandahan, madaling pakisamahan, at
siyempre sa kanyang kabaitan at higit sa lahat may takot sa panginoon may kapal.
Ang taong ito ay sobrang espesyal para sa akin sapagkat siya ang aking sandigan
sa gitna ng aking mga problema sa aking sarili. Andiyan lang siya palagi at
siya yung taong alam ko na hindi nang iiwan dahil alam namin sa aming mga
sarili na mahal na mahal naming ang isa’t isa. Ang importante lahat ay
nagmamahalan na magkaibigan. Ito ang listahan ng aking inspirasyon, hindi man
ito importante sa ibang pananaw ng ibang tao, pero sa akin malaki ang epekto
nila sa akin.
No comments:
Post a Comment