Wednesday, 31 July 2019

PAKIKIPANAYAM SA ISANG MEKANIKO




Pangalan: Elias A. Manzano Jr.

Taong Gulang: 30
Kumunidad: Malalinta, San manuel, Isabela.






1). Bakit naisipan niyo pong mekaniko ang napili nyong trabaho?


*para sa akin mekaniko sapagkat ito'y aking nakahiligang trabaho at itoy aking pinag aralan ng dalawang taon dahil dito kaya kong ayusin ang mga sirang makina o kahit ano pang sira ng mga sasakyan. 


2). Ilang taon na po kayung nagtratrabaho biling isang mekaniko?

*Halos pito hanggang walong taon na. subalit, hindi permanente ang aking trabaho sapagkat wala akong sariling shop na kung saan ako nalang ang tinatawag sa bahay kung may kailangan na ipaayus na sirang sasakyan.

3). Ano-ano naman po ang mga paraan na ginangawa niyo para mas marami pang magpaayos ng mga sirang makina o sasakyan?


*Maging mabait at pagiging disidido para ayusin ng maayos ang ipinapagawa nila at hindi masyadong mataas ang pagsingil ng sahod. Ginagawa ng maayos ang ang trabaho at hindi titigil hanggat hindi ko mapagana ang kanilang pinapagawa.

Monday, 29 July 2019

BIONOTE




BIO-NOTE

( JANMEL P. MANZANO )

Image may contain: 1 person, smiling, closeup



Siya ay ipinanganak sa Malalinta, San Manuel Isabeala noong ika-10 ng Enero taong 2000. Ang kanyang ina ay si Rubilyn at ang kanyang ama na si Francisco. Naranasan din niyang palipat-lipat ng ekwelahan noong ikatlong baitang hanggang sa ika-apat na baitang at nagbalik din sya para sa Malainta tapusin ang kanyang pag aaral sa elementarya. Nagtapos siya sa elementarya sa Malalinta Elementary School sa taong 2013-2014. Nang nagsimula siya sa sekondarya, maraming pagbabago ang kanyang dinanas at maraming pagsubok ang hinarap para sa kanyang pag aaral sa sekondarya. Naging completer siya noong taong 2017-2018 at nagpatuloy ang kanyang pag aaral ng Senior High sa Malainta National High School. Nagtapos siya ng kolehiyo at nakuha ang gustong kusrong kanyang inaasam na maging isang marine engine o isang seaman sa taong 2024.





















ABSTRAK

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA BAITANG


ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa harapan ng klase tulad na lamang sa pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang  mga mag-aaral na nasa ika-apat na baitang at nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing  pagkukuwento at talumpating impromptu, ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

Tuesday, 16 July 2019

TALUMPATI TUNGKOL SA MGA LISTAHAN NG AKING INSPIRASYON SA BUHAY



Ang Inspirasyon ay isang bagay na importante sa lahat. May maraming rason kung bakit ka nagkakaroon nito, maaring sa isang taong importante sayo, bagay, o pangarap na makamit. Lahat tayo ay may kanya-kanyang inspirasyon at ito’y malaking bagay para sa atin, maliit man o malaki sa paningin ng iba at Ako  na bilang isang tao, ay may hangarin at mga inspirasyon upang tuparin ang mga bagay na aking gusting gawin sa buhay. Ang  aking unang inspirasyon ay ang Panginoon makapangyarihan, dahil siya lang ang kilala kong hindi nang-iniiwan, nandiyan siya upang gabay ang ating mga problema, hinagpis, kalungkutan, kasiyahan, at tagumpay natin sa buhay. Ang paniniwala sa Panginoon ay wag nating walain, sapagkat sya  ay nagbibigay lakas sa atin para ipagpatuloy ang mga ladas na  ating tatahakin at hindi nman siya magbibigay ng mga pagsubok na hindi natin kayang lagpasan at sa tulong ng panginoon naniniwala ako na kaya natin ito. Natutunan ko ay hindi dapat maging marahas dahil lahat ng bagay may solusyon.

 Pangalawa, ang inspirasyon ko ay ang aking pamilya at ako bilang isang mag aaral. Ang mga magulang ko ay ibinigay ang lahat ng gusto ko at mga aking kailangan at gusting palakihin na may pinag-aralan. Ginagawa ang kanilang tungkulin bilang isang magulang at kahit kapos ay hindi ito hadlang para sa kanila dahil gagawin nila ang lahat makapagtapos ka lang. Kaya ang mga magulang ko ay aking iniidolo at sila ang aking kalakasan upang tuparin ang aking mga pangarap sa buhay. At isa din ang aking mga kapatid na tinuturing kong inspirasyon.

 Pangatlo ang aking  mga kaibigan sapagkat kung  ako’y  may dala-dalang problema ay andiyan sila para akoy kanilang damayan at hindi titigigil sa kanilang pangungulit kung hindi ako mapasaya. Kaya ang mga kaibigan  napakalaking tulong sa atin sapagkat sila ang ating kasiyahan at naging sandigan ko para maiwasan ang mga problema at higit sa lahat hindi nang-iiwan.

Pang-huli na inspirasyon ko ay ang aking hinahangaan tawagin nalang natin syang “The One” isa siya sa nakilalang kong babae na ibang iba sa lahat sapagkat napahanga niya ako sa kanyang abilidad, kakayahan niyang kumanta, kanyang katalinohan, kanyang kagandahan, madaling pakisamahan, at siyempre sa kanyang kabaitan at higit sa lahat may takot sa panginoon may kapal. Ang taong ito ay sobrang espesyal para sa akin sapagkat siya ang aking sandigan sa gitna ng aking mga problema sa aking sarili. Andiyan lang siya palagi at siya yung taong alam ko na hindi nang iiwan dahil alam namin sa aming mga sarili na mahal na mahal naming ang isa’t isa. Ang importante lahat ay nagmamahalan na magkaibigan. Ito ang listahan ng aking inspirasyon, hindi man ito importante sa ibang pananaw ng ibang tao, pero sa akin malaki ang epekto nila sa akin.

PAKIKIPANAYAM SA ISANG MEKANIKO

Pangalan : Elias A. Manzano Jr. Taong Gulang: 30 Kumunidad: Malalinta, San manuel, Isabela . 1). Bakit naisipan niyo pong mek...