Monday, 29 July 2019

ABSTRAK

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA BAITANG


ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa harapan ng klase tulad na lamang sa pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang  mga mag-aaral na nasa ika-apat na baitang at nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing  pagkukuwento at talumpating impromptu, ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment

PAKIKIPANAYAM SA ISANG MEKANIKO

Pangalan : Elias A. Manzano Jr. Taong Gulang: 30 Kumunidad: Malalinta, San manuel, Isabela . 1). Bakit naisipan niyo pong mek...